Be yourself; Everyone else is already taken.
— Oscar Wilde.
This is the first post on my new blog. I’m just getting this new blog going, so stay tuned for more. Subscribe below to get notified when I post new updates.
Be yourself; Everyone else is already taken.
— Oscar Wilde.
This is the first post on my new blog. I’m just getting this new blog going, so stay tuned for more. Subscribe below to get notified when I post new updates.
Sa muling pagbukas ng bagong umaga, sikapin nating ibalik ang ngiti sa ating mga mukha at nawa’y kalimutan ang masaklap na pangyayaring nagbigay lugmok sa ating kahapon. Panibagong umaga, panibagong pagasang iaalay natin sa Panginoon.
Ayon sa aking pakikipapanayam sa Chairman ng aming Baranggay na si Chairman Ariel L. Dakis, naikwento niya ang kanyang sariling karanasan noong naminsala ang Bagyong Ondoy sa aming lugar, base din sa kanya ay ito ang pinakamalaki ang napinsala na bagyo mula nang siya ay namalagi sa kanyang pinamumunuan niyang komunidad ngayon.


Sumunod naman ay ang mga pumapanahong sunog na kamakailan din ay tumupok sa halos 15 pamilya ng aming barangay, ngunit hindi ito naging hadlang upang manatiling nasa laylayan ng kalungkutan ang mga miyembro ng aming barangay, sapagkat malaki man ang naging pinsala na nagawa sa amin ng sunog na ito o hindi kaya’y marami man ang nalubog sa tubig baha dahil sa walang tigil na pag-ulan noon.


Mapapansin pa din natin na sa mga tulad ng ganitong krisis ay nakikita natin ang ating pagiging tunay na Pilipino. Kahit na hirap at pagod na pagod ay hindi tumitigil sa pagtulong ang ilan nating mga kababayan tuwing may nagaganap na sakuna. Ang iba din ay nagbubuwis pa ng buhay para lamang maisalba o mailigtas ang kanilang kapwa. Mas higit nilang iniisip ang kapakanan ng iba kaysa sa kanilang sariling buhay. Marahil ang iba ay hindi inasahan ang ganitong kalakas na sakuna na tumama sa aming lugar kaya’t hindi sila nakapaghanda ngunit patuloy pa din na ginagawa ng mga naihalal na opisyal ng aming barangay na panatiliin ang kaayusan at kaligtasan ng kanilang mga mamamayan.
Samakatuwid, nang dahil na rin sa malapit ang Barangay 731 sa Manila Bay, maari itong maging dahilan kung bakit mas mataas ang nagiging lebel ng baha kumpara sa ibang mga lugar na nasa loob din ng Kalakhang Maynila.


At dahil din dito, kasalukuyang natapos lang ang Flood Control na isang proyektong ihiniling ng aming Barangay sa Gobyerno upang maiwasan na ang ang mataas na lebel ng baha tuwing panahon ng bagyo at mabawasan na din ang mga sakunang maaring makasira sa pangkabuhayan at imprastraktura ng mga mamamayan ng aming pamayanan.
Kasalukuyan din namang nakaatas ang mga disiplinadong opisyal na namumuno sa Barangay kagaya ni Kagawad Joel Borromeo na nakatalaga bilang puno ng komite sa Disaster Risk Reduction and Management upang magbigay ng sapat na impormasyon sa iba pang nakatira sa loob ng barangay nang sa gayon din ay mas maging handa sila sa pagharap at pagtugon sa mga kalamidad na maari nating maranasan sa kasalukuyan. Kabilang dito ang mga iba’t-ibang safety map, iba’t-ibang proyekto ng barangay at DRRM Plan na maari ding magbigay ng sapat na kaalaman sa mga mamamayan kapag nangyayari ang isang sakuna.






Ang iba’t-iba pang proyekto na itinalaga ng mga opisyal ng Barangay ay ang sumusunod:

Ngunit hindi lang din ito ang mga problema na nararanasan ng aming barangay, at kung ako ang tatanungin, maituturing ko ding problema ang mga sasakyang nakaparada lamang sa kahabaan ng kalsada na nagdudulot ng matinding trapiko at malaking abala sa mga commuters at nagbabyaheng mamamayan sa pang araw-araw. kamakailan lang ay gumawa ng responde ang ating pamahalaan tungkol sa kung paano masosolusyunan ang problemang ito, nagpatupad ng “No Parking in the Streets” policy ang barangay sa mga mamamayang may sasakyan at kung ito’y kanilang hindi susundin ay ma-totow ang kanilang sasakyan at magbabayad ng malaking multa.


Bilang isang estudyanteng kasalukuyang nagvovolunteer work sa Barangay, masasabi ko na mahirap din palang ipagsabay ang paglilingkod sa pamayanan at ang pag-aaral. Ngunit hindi ito nagsilbing hadlang upang tumulong sa mga nangangailangan at manatili sa isang trabahong alam kong hindi man perpekto sa aking kasarian, alam ko naman na hindi ko lang ito ginagawa para sa sarili ko ngunit para na rin sa ikabubuti ng tao at ng bansang pinaglilingkuran ko.
At kung ang mga problemang dinadanas ng aming Barangay ay ihahantulad ko sa kasalukuyang lagay ng ating bansa ngayon, masasabi ko na ang isang maliit na problema pala ay magsisilbi ding dulot ng isang malakihang sakuna. Laganap na problema ngayon ang trapiko at paglakanap ng mga basurang hindi lang sa kalsada natin makikita ngunit pati na rin sa Gobyernong nakatingin lamang sa kanyang mamamayan at nagsasawalang bahala. At sa unti-unting pagbangon na ginagawa ng aming Barangay mula sa mga sakunang kanyang dinanas sa twina, patuloy pa din kaming mga mamamayan na sumusubok upang maipatupad ang mga batas na matagal ng inihain ng gobyerno’t pamahalaan hindi lang sa aming lugar kundi pati na rin sa pangkalahatan ng bansa.




Noong nasilayan mo ang unang liwanag
Ng lugar na akala nami’y isang bihag.
Pero matapos ng sandaling pagmulat
Mga surpresa pala ng buhay ang kumalat.
Sa una, hindi mo lang maintindihan.
Marami ka pang tanong – sino, ano at kailan.
Bakit, paano at kung nasaan,
Sa isang lipunang tapat pala matatagpuan ang may tunay na kaligayahan.
Kaya ngayong araw, iyong pakakatandaan,
Pagpili sa saya, liwanag at kabutihan.
Maging inspirasyon sa pangarap ng kahit ilan,
Para ang sinag mo’y magningning kailan pa man.
Nararapat lang na sundin naming mga mamamayan na parte na rin ng aming arangay sa matagal na pahahon ang mga nararapat na gawin sa pang-araw araw. Katulad ng pagiging malinis sa paligid at pati na din maging sa ating mga ginagawa at gagawin palang sa kasalukuyan.

Sa aking pagsulyap sa bawat pirasong nagugunita ko sa aking lipunang tinitirhan, masasabi ko na, ang Barangay 731 ay isang lugar na masasabi nating nakaimprinta na hindi lang sa aming mamamayan at kasaysan ngunit pati na rin sa ating pagiging Filipino. Marahil ay madalas tayong panghinaan ng loob at mawalan agad ng gana tungkol sa isang bagay na maari namang solusyunan. Hindi natin naiisip na ito’y isa lamang pagsubok upang tayo’y matuto at lumakas nang sa gayon ay malaman natin kung anong susunod na desisyong ating tatahakin sa kasalukuyan. Ito’y mahahambing ko sa katayuan ng sarili ko ngayon, dahil bagkus lahat ng unos na kanyang dinanas at dadanasin pa, ay nananatili siyang simbolo ng lakas para sa mga taong naniniwala sa kanya at nagsisilbing gabay na kung saan maari pang lumaban at patuloy na umahon.
PICTURES FROM THE INTERVIEW:


This is an example post, originally published as part of Blogging University. Enroll in one of our ten programs, and start your blog right.
You’re going to publish a post today. Don’t worry about how your blog looks. Don’t worry if you haven’t given it a name yet, or you’re feeling overwhelmed. Just click the “New Post” button, and tell us why you’re here.
Why do this?
The post can be short or long, a personal intro to your life or a bloggy mission statement, a manifesto for the future or a simple outline of your the types of things you hope to publish.
To help you get started, here are a few questions:
You’re not locked into any of this; one of the wonderful things about blogs is how they constantly evolve as we learn, grow, and interact with one another — but it’s good to know where and why you started, and articulating your goals may just give you a few other post ideas.
Can’t think how to get started? Just write the first thing that pops into your head. Anne Lamott, author of a book on writing we love, says that you need to give yourself permission to write a “crappy first draft”. Anne makes a great point — just start writing, and worry about editing it later.
When you’re ready to publish, give your post three to five tags that describe your blog’s focus — writing, photography, fiction, parenting, food, cars, movies, sports, whatever. These tags will help others who care about your topics find you in the Reader. Make sure one of the tags is “zerotohero,” so other new bloggers can find you, too.